Mga pahayag ni Direk Bobet, kinontra ng ibang source

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

October 13, 2021 | 12:00am

Advertisements

Kinontra ng isang source ang mga pahayag ni Direk Bobet Vidanes tungkol sa rason ng pag-alis niya sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Ayon sa source ng Take It… Per Minute, Me Ganon!? hindi raw puwedeng mangyari na hindi maging leader si Direk Bobet dahil siya naman talaga ang nagde-decide ng mga nangyayari sa programa noon. In fact, ‘pag daw hindi niya gusto ang idea sa show, binabaril niya agad.

At diumano, siya naman talaga ang nang-iwan sa Showtime contrary sa kanyang mga pahayag dahil gusto niyang pumasok sa Lunch Out Loud (LOL). At si Billy Crawford pa diumano ang kasama nitong nag-negotiate para makapasok siya sa LOL ng Brightlight Productions.

Isa pang issue kay Direk Bobet ay ang diumano’y biglang pagkatanggal sa dating creative manager ng LOL na si Robin Sison. Diumano’y nahusgahan si Robin ng false accusation pagpasok ni Direk Bobet.

Pero itinanggi ito ni Direk Bobet sa nasabing interview namin na lumabas na dito the other day.

“Dati po kasi ako leader dun ngayon po ang daming leader. Lahat po gusto maging leader,” sabi ni Direk Bobet.

Anyway, sa mga hindi nakapanood ng episode 115 ng TIPMMG, puwedeng maki-Team Replay sa number 1 digital talk show ng Pilipino Star NGAYON na laging kontrobersiyal ang bawat episode na ngayon nga ay namimigay ng bigas at mga wheelchair courtesy of Ms. Gretchen Barretto.

Sorpresa rin ang pagdating ni Butch Francisco na nagkaroon ng instant reunion kina Nay Cristy Fermin na nakasama niya nang matagal sa Showbiz Linggo at kay Nay Lolit Solis na nakatrabaho niya sa Startalk at bongga ang mga blind item ni Mr. Fu.

Speaking of Showtime, bentang-benta ang mga hirit ni Ruffa Gutierrez bilang choosegado sa Reina ng Tahanan sa It’s Showtime, lalo na kina Amy Perez at Janice de Belen.

“Pinag-uusapan namin ni Tiyang Amy kung iba ‘yung mag-statement noong ‘bungi,’ may ma-ooffend. Pero kapag si Ruffa, nakakatuwa,” saad ni Janice tungkol sa naging komento ni Ruffa noong Biyernes (Oktubre 8) sa isang Reinanay contestant na “bungi pa nambababae” pa ang dating kinakasama nito.

Tinanong naman ni Ruffa kung ano ang mali sa kanyang sinabi. Ipinaliwanag ni Janice na kung ibang tao ito ay sa ibang paraan niya ito sasabihin at hindi sa kung paano sinabi ni Ruffa.

“We will say it in a different way and with a different mindset. Ikaw kasi, it’s just so funny,” sabi niya. Dagdag ni Amy, “Pero yang si Ruffa masaya kasama. Only Ruffa can do that.”

Hindi lang naman ang mga hurado ang tuwang-tuwa sa mga hirit ni Ruffa. Bentang-benta rin ang kanyang mga hirit sa netizens.

Samantala, umuwing Reinanay of the week naman si Donabelle Gatchalian matapos niyang makakuha ng 93.3% combined scores mula sa choosegados na sina Janice, Ruffa, at Lara Quigaman Alcaraz.

Source link

Leave a Reply

Advertisements