Mga palabas na madugo sa streaming platforms, kinababaliwan ng mga bata!

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

October 1, 2021 | 12:00am

Advertisements

Parang panahon na talaga na bigyan ng ‘power’ ng Congress ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para i-co-regulate ang mga palabas sa streaming platform.

May isang trending series ngayon na patayan ha, hindi pang-bata as in madugo ang mga eksena. Pero pati mga bata nag-enjoy sa panonood. To the point na ginagawa nila itong wallpaper.

Actually, matagal na itong inaapela ng MTRCB dahil nga unrated ang mga video-on-demand samantalang sa ibang bansa ay kailangang dumaan sa kanila ang pag-o-operate ng video-on-demand.

Kinontra pa last year, around this time, ng ibang senador ang sinabi sa Senate hearing ni Jonathan Presquito, chief of MTRCB Legal Affairs Division, sa Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship na dapat ngang magkaroon ng jurisdiction ang MTRCB para ma-review ang mga ipinalalabas dito.

May kanya-kanyang rating system ang maraming bansa para sa digital content kabilang na ang South Korea at Indonesia.

Pero ‘yun nga, binash pa sila kahit ipinaliwanag ni MTRCB Chair Rachel Arenas na hindi ire-regulate, kailangan lang nilang mag-adopt sa ating rating system. “We are not going to regulate video on demand. We are going to do co-regulation. Hinihiling lang naman namin sa kanila is to adopt our ratings.”

Katulad niyan, paano mo babawalan ang bata sa ganyang palabas na grabe ang patayan.

May limang classification ang MTRCB na sinusunod –

G: para sa lahat ng edad ng manonood

PG: ang palabas ay may temang violence, nudity, sex, and horror, na suitable for children below thirteen years of age

R-13: viewers who are thirteen years old and above lang ang puwedeng makapanood

R-16 and R-18: only viewers who are either 16 or 18 years old and above

SPG for television programs: hindi puwede sa bata.

Majority sa mga sinehan sa bansa ay hindi pa nakakapag-operate dahil sa health protocols na kailangang sundin ngayong may pandemya pa rin kaya naman tutok ang mga manonood sa mga streaming platform na dahilan din kaya ang laki ng decline ng TV viewers sa kasalukuyan.

Anyway, kahapon sa Senate hearing ay binanggit ni MTRCB registration officer Atty. Ann Marie Nemenzo na grabe ang ‘significant drop’ sa mga pelikulang nire-review nila – 35 films lang sa loob ng eight months ngayong 2021 samantalang dati, noong walang pandemic, umaabot sa almost 300 films kada taon.

Source link

Leave a Reply

Advertisements