Mr. Fu, pinili ang TIPMMG family

TAKE IT TAKE IT!Lolot Solis – Pilipino Star Ngayon

October 8, 2021 | 12:00am

Advertisements

Nagkaroon ng ‘nightmare’ si Mr. Fu, Salve. ‘Yung usually ang tawag ko ‘pag nagkakaroon ka ng moment of indecision sa buhay. Mga bagay na hindi mo alam ang gagawin at anong desisyon ang pipiliin.

Magandang ‘nightmare’ naman dahil trabaho ang involved kaya win-win situation naman ang mangyayari kay Mr. Fu.

Actually, anumang desisyon ang piliin niya, magiging masaya kami ni Cristy Fermin for Mr. Fu dahil anuman ang marating niya, at least naging bahagi kami ng growth niya.

Hindi mo maiiwasan na magkaroon ka nang mga alok sa trabaho lalo pa nga at nakita ng marami kung gaano kahusay as a host si Mr. Fu.

Iyon namang Take It… Per Minute, Me Ganun!? hindi klase ng trabaho na competitive para sa amin nila Cristy. Actually, parang breather lang namin ito, lalo ngayon na hindi ka masyadong active dahil nga sa maraming restrictions. Biruan ang talent fee na natatanggap namin, dahil hindi na nga pera ang habol mo sa tuwing Tuesday 12 to 1 ng hapon sa Facebook at YouTube ng Pilipino Star NGAYON na ginagawa sa Obra ni Nanay na parang 2nd home na namin.

‘Yung camaraderie, samahan, pagkain ng sabay-sabay kasama ang tsismisan, part na ‘yun ng life namin every week. Hindi na ito trabaho, habit na, samahang pamilya na.

Kaya kung merong mag-alok ng better price, at ma-tempt ang isa sa amin, we will understand, kasi nga, family na. You want a better life for your family. Pero ‘yung crossroad na iyon ang mahirap tawirin, magiging masaya ba ako roon, mas gaganda nga ba ang buhay ko, will I feel the same ‘pag iba na ang kasama ko?

It was easy for us na piliin si Mr. Fu over the show with Kris Aquino, kasi nga sure kami ni Cristy that we will miss him ‘pag wala siya. Saka mas matatag na ang career namin, si Mr. Fu mas bata pa, at marami pang journey na daraanan sa buhay. Kaya kung gustuhin niya na piliin ang ibang trabaho, ok lang.

Kung sa kanya trabaho ang TIPMMG, ok lang. Pero sa amin, hindi ito trabaho. Kaya natuwa kami nang piliin ni Mr. Fu ang pamilya, ang TIPMMG, dahil bawat Martes na magkasama-sama ka­ming lahat, reunion para sa amin.

At si Mr. Fu ang bunso namin anak. Na ayaw naming maagaw ng ibang grupo baka apihin, i-bully, at itapon, hah hah hah.

Stick with us, Mr. Fu, sayang ang bigas at mga ulam na inuuwi mo tuwing Tuesday, wala iyan sa ibang show, promise!!



Source link

Leave a Reply

Advertisements