Nadine, isinilang na ang third baby

Jun Nardo – Pilipino Star Ngayon

December 1, 2021 | 12:00am

Advertisements

MANILA, Philippines — Aba, nakatatlong anak na ang former Kapuso artist na si Nadine Samonte!

Isinilang ni Nadine ang ikatlong baby niya mula sa asawang si Richard Chua nitong nakaraang mga araw. Delikado pa ang huling pagbubuntis niyan sa third baby, huh!

Pinangalanan niyang Harmony Saige ang bagong anak na ipinasilip niya sa kanyang Instagram.

Sa IG rin niya pinasalamatan ang doctor na nagpaanak sa kanya pero ayon kay Nadine, struggle man ang pagbubuntis, “This journey is more of a blessing. This journey is differenct from my 2 kids.”

Ayon pa sa aktres, muntik nang mawala sa kanila ang baby sa third trimester ng kanyang pagbubuntis.

Carrot man, handa nang maging full-time artist

Pormang artista ang nakilalang Carrrot Man online na si Jeyrick Sigmaton.

Mula nang maging viral sensation, naging tahimik sa limelight si Jeyrick. Sumulpot siya muli nang manalo ng best actor sa isang short film.

Ngayon ay pormang model na ang Igorot Boy at handa nang pasukin ang showbiz nang full time!

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok