Nadine lantad na ang bagong karelasyon, fans suko na sa kanila ni James

SHOWBIZ GANERN!Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon

October 10, 2021 | 12:00am

Advertisements

Pagkatapos mag-viral ang ‘holding hands while walking’ video nina Aljur Abrenica at AJ Raval, hindi rin nagpatalbog ang HHWW video photos naman nina Nadine Lustre at rumored French boyfriend niyang si Christophe Bariou.

Kuha iyun sa Greenbelt Makati, na kahit naka-face mask at face shield silang dalawa, nakikilala pa ring si Nadine ito at si Christophe.

Kumalat ito kamakalawa lang at kinagabihan nag-trending na ang hashtag #Jadine na tweet ng mga fans ng loveteam James Reid at Nadie Lustre.

Karamihang tweets ay nadismaya, at unti-unti na nilang natatanggap na hindi talaga meant to be sina James at Nadine.

Meron ding fans na hindi pa rin matanggap at tingin nila ay photo-shopped lang ito. Pero karamihang fans ay dismayado kaya signing off na raw sila, at ang iba naman ay bumitaw na sa Twitter at tanggap na nilang tapos na ang JaDine fandom.

Base sa mga nakikita sa social media ay iba na ang tinatahak na buhay ni Nadine.

Mukhang sa Siargao na niya gustong manirahan, dahil doon na siya nagparehistro. Kagaya ng iba ring celebrities, mas gusto na rin siguro ni Nadine na doon na sa Siargao manirahan.

Si James naman ay naka-focus sa kanyang Careless Music, at sana matuloy ang guesting nito sa first anniversary ng Lunch Out Loud. Siya kasi ang niri-request ni Billy Crawford na mag-guest sa month-long celebration ng LOL sa TV 5.

Barbie dinaan sa IG ang nararamdaman

Marami naman ang naintriga sa IG story ni Barbie Forteza na ipinost niya kamakailan lang. Quote ito na kuha niya sa The Modern Breakup na sinasabing; “I notice everything. I mean everything. I notice the way someone talks to me starts changing. I notice the little things they used to do. I notice the little lies and the things they think they can hide from me. I notice every single detail. I just don’t say anything.”

Ayon sa ilang nasagap lang namin, baka nagkakaroon daw ng selosan dahil mag-ex daw sina Jak Roberto at Klea Pineda.

Pero tingin ko naman hindi si Barbie ‘yung tipong nagseselos agad.

Nakikita naman sa ilang posts ni Jak na nagku-comment si Barbie na supportive siya sa bagong project ng nobyo. Kaya bago pa man lumaki ito at gawin pang intriga, klaruhin na lang siguro na walang isyu, at baka iba naman ang tinutukoy ni Barbie sa IG story niyang iyun.

Finale week na ng Loving Ms. Bridgette, at sa susunod na linggo ay magsisimula na ang bagong installment ng Stories From the Heart na pinamagatang Never Say Goodbye, tampok sina Jak Roberto at Klea Pineda.

Source link

Leave a Reply

Advertisements