Nadine naging environmentalist na rin, booty pinagpiyestahan ng ‘silya’!

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

December 1, 2021 | 12:00am

Advertisements

Biglang maraming gustong maging silya nang makita ang photo ni Nadine Lustre na kumakain ng oranges na naka-two piece.

Pero ang isang napansin ang kanyang followers, ang malusog niyang ‘booty’ habang nakatalikod na naka-two piece.

Wow, parang hindi pa raw talaga laspag at sexy pa talaga.

Perfect puwet pa raw.

Samantala, talagang adjusted na si Nadine sa buhay sa Siargao kasama ang boyfriend na si Christopher Bariou na pati diumano pamilya nito ay close na kay Nadine na makikita nga sa isang groufie na magkakasama sila.

Nag-volunteer din daw ito sa mga environmental protection program /  sea patrol group sa nasabing isla kasama ang grupo nina Andi Eigenmann.

Nice. At least para sa kalikasan ang pinagkakaabalahan nila.

Self-declared influencer na diumano’y scammer turned Marites, ayaw patulan ni Cristy Fermin

Ayaw bigyan ng validation o importance ni Nay Cristy Fermin ang open letter ng isang diumano’y scammer turned Marites.

Ito ay magtapos maglabas ng isang letter ang nasabi ring self-proclaimed influencer.

Aniya sa nasabing open letter for Nay Cristy, ngayon lang daw kasi naka-encounter ang betera­nang TV and radio host, columnist and digital talk show host ng isang tao na halos kalahati lang ng edad niya pero mas maingay na ang pangalan.

As in ang term na ginamit nito, nasapawan na raw niya si Nay Cristy.

Ngek.

Hahaha. Kelan pa kaya?

Sadly walang planong patulan ni Nay Cristy ang nasabing patutsada ng nasabing self-proclaimed influencer.

Chikahan nila sa no. 1 digital talk show na Take It… Per Minute, Me Ganun kahapon :

“Ang tawag niya sa sarili niya pambansang Marites,” umpisa ni Mr. Fu.

“Isang scammer,” nanatawang sabi ni Nay Cristy.

Hirit naman ni Nay Lolit Solis, “Naku kung anu-anong kinikwento mali-mali naman,” sabay tanong kung anong hitsura ng pinag-uusapan nila.

Isa nga kasi sa sinabi nito ang tungkol kay Paolo Contis na declined daw ang card nang mag-birthday dinner sila ni Yen Santos kaya ang huli ang nagbayad.

Ganundin ang tungkol kina Barbie Imperial and Diego Loyzaga.

Actually, there was a time na pinag-usapan ito for a while dahil may ginawang ‘gimik.’ Pero nakalimutan na at naisyuhan sa pera.

At ito, nangutang pala ito noon kay Ogie Diaz pero nabayaran naman daw.

Sabi uli ni Nay Lolit : “Dito ata galit si Paolo Contis.”

Sagot ni Nay Cristy : “Oo, saka sila Diego Loyzaga.”

Fu : “Ito na nga,  may mga inilalabas siya na ikinagagalit ng mga artistang involved kasi ginagawa rin niya bina-blind item tapos later on napapangalanan.”

“Blind item na para bang nandoon sya sa pinangyarihan ng insidente,” sagot ni Nay Cristy.

Sagot uli ni Fu : “Oo,  parang i-Witness ang dating. Eh kaso parang meron kang nabalitaan na inilabas niyang istorya.”

“Tinawagan ko ‘yung anak-anakan kong taga-NBI. Wala, walang ganun kasi sabi niya nag-away si Barbie at saka si Diego sa isang hotel room sa Tagaytay. Tapos nagkasira-sira daw ‘yung mga ano sa kwarto. Kung ikaw ba may-ari ng hotel, hindi ka ba pupunta sa awtoridad para ireport?,” tanong ni Nay Cristy.

“Wala, walang ganong insidente kahit ‘yung kay Paolo Contis mali y’ung mga bangkong binigay n’ya saka walang mga card si Paolo.”

“‘Di ko nga s’ya kilala ano. May mga tao talaga na may illusion sa buhay,” dagdag ni Nay Lolit.

“lllusion na illusion,” hirit uli ni Nay Cristy.

Hahaha.

Anyway, fake news din diumano ang iba pang mga chika nitong nasabing influencer na masayang-masaya raw kapag nababanggit ang pangalan kaya ang decision ni Nay Cristy, ‘wag banggitin ang pangalan ng tinatawag niyang pambansang ilusyunado hindi malungkot siya.

Actually, marami talaga ngayong self proclaimed influencer.

Kaya sabi nga ni Nay Cristy walang shortcut sa pag-akyat. May hagdan kang dapat daanan, walang biglang nasa taas ka na agad paggising mo aniya tulad ng sinasabing nito.

‘Yun naman talaga.

Samantala, may payo naman sila kay presidentiable Sen. Manny Pacquiao na sana raw ay ayusin ng grupo nito ang proseso ng pamimigay ng pera sa mga pinupuntahan nilang mga probi-probinsya.

Makikita nga naman sa mga coverage kung gaano karami ang tao lalo na pag nababalitaan nilang mamimigay ng datung si presidential aspirant  and boxing champion kasama pa si Jinkee.

Hirit ni Nay Lolit, sana raw ay si Jinkee na lang ang pag-abutin ng pera.

Ni-remind din ni Nay Cristy na sana ay bayaran muna nila ang ibang pinagkakautangan nila bago sila mamudmod sa maraming nangangailangan.

Anyway, bongga rin ang mga blind item sa TIPMMG kahapon kahit medyo throwback.

Kaya sa mga hindi pa nakakapanood, puwedeng maki-Team Replay sa YouTube channel at Facebook page ng Pilipino Star NGAYON.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok