Nagbabaga… pasabog ang mga eksena hanggang finale

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

October 9, 2021 | 12:00am

Advertisements

Big scene ang mapapanood ngayong hapon sa Nagbabagang Luha ng GMA 7 kung saan lalabas na ang katotohanan.

Humahataw sa rating ang Nagbabaga… in all fairness. Gaganti na ang mga na biktima ni Cielo (Claire Castro) na buntis kaya gumawa ng pa­raan para hindi masira ang kanyang plano na tuluyang mapaibig si Alex (Rayver Cruz) na mister ng kapatid niyang si Maita (Glaiza de Castro).

Mas pinalakas nila ang mga eksena ngayong Oct. 22 na ang finale nito pero marami pa raw pasabog na magaganap na mag-uumpisa na nga ngayong hapon.

Samantala, nag-pre nuptial pictorial na si Glaiza at ang Irish boyfriend niyang David Rainey sa Barcelona, Spain. Pinusuan ng maraming netizens ang nasabing magagandang pictorial nila

The guilty, pinakamatipid na american movie?!

Uy sana makagawa rin ang local filmmakers ng pelikulang ala-The Guilty starring Jake Gyllenhaal.

Simple, pero exciting ang kuwento ng American movie na The Guilty bukod sa matipid sa production.

Kuwento ito ng isang demoted police officer na na-assign na 911 agent na may pinagdaraanan din sa anak.

Isang araw ay may natanggap siyang tawag ng isang babae na nanghihingi ng tulong dahil in-abduct daw siya.

Hindi kumpleto ang ibinigay na detalye ng babaeng tumawag at nanghihingi ng tulong.

Pero ginawa ng 911 agent ang lahat para matulungan ito at ang dalawa nitong anak kahit na nga hindi pa niya alam ang mga tunay na pangyayari.

Sa 911 office lang kinunan ang eksena na ang background ay ang isang malaking sunog na kanilang mino-monitor.

Tumayo lang ang main character at pumasok sa isang kuwartong walang tao at doon nakipag-usap sa telepono dahil nga gusto niyang tulungan ang tumawag na babaeng ang pangalan ay si Emily.

Masasabing matipid ang pelikula dahil sa iisang lugar lang ito kinunan at isa lang ang bida May ilan siyang kinausap pero sandali lang at hindi mahaba ang exposure ng mga kasama niya sa 911 office.

May nabasa rin akong article na 11 days lang daw ito ginawa in the middle of the pandemic samantalang American movie ito at kasalukuyang trending sa Netflix.

Actually, kahit ang K-drama lately, sa iisang lugar din nagso-shooting at ine-explore nila ang ibang lugar sa kanila na hindi pa masyadong familiar sa viewers.

Sana nga may local movie tayong mapanood na ganito at hindi parang paulit-ulit na lang ang twist.

Source link

Leave a Reply

Advertisements