Nelia, 15 years bago natuloy!

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

December 3, 2021 | 12:00am

Advertisements

“Unique siya. Hindi ito iyong typical story ng Filipino movies na napapanood natin.”  Ganito nga inilarawan ng baguhang direktor na si Lester Dimaranan ang kanyang kauna-unahang full length film na Nelia, isa sa official entries ng gaganaping Metro Manila Film Festival sa Pasko.

Mula sa A and Q Films Production, Inc., ang Nelia ay umiikot sa misteryo ng hospital room 009, kung saan lahat ng pasyenteng naa-admit dito ay namamatay. Isang nurse sa naturang ospital, si Nelia (ginagampanan ng beauty queen at Kapuso actress na si Winwyn Marquez), ang susubok na mabunyag kung ano ang lihim sa likod ng pagkamatay ng mga pasyente ng Room 009.

Sinulat ni Atty. Melanie Honey Quiño Marquez, ang screenplay ng Nelia ay “15 years in the making” ayon kay Direk Lester. “Matagal nang nasulat ito ni Atty. Honey, 15 years ago pa. Actually, naalala ko, noong nilapitan ako ng A and Q para gumawa ng pelikula, iba dapat yung gagawin namin noon, e. ‘Tapos, nag-pandemic! Naayos na namin lahat para sa production ng pelikulang iyon tapos biglang nag-lockdown. So, nilapitan ako ni Atty. Honey, pinakita sa akin yung synopsis ng Nelia, and dun na nag-start yung pagbuo namin sa pelikula.”

Kakaiba raw sa panlasa at mga nakasanayang tema ng pelikulang Pilipino ang Nelia. “Suspense thriller siya, maraming aabangan ang manonood. Maraming turn ng events na di mo akalaing gano’n pala, ganyan pala. Psychological yung movie kaya yung effect sa manonood, psychological din. Yung mga twist talaga, yung akala mong ito yung mangyayari magugulat ka na hindi pala,” saad ni Direk Lester.

Nag-iisang suspense thriller genre na nakapasok sa darating na 2021  MMFF ang Nelia kaya inaasahan nilang tatauhin ito sa mga sinehan.

Ang Nelia ay mapapanood sa December 25 sa mga piling sinehan sa buong Pilipinas. Bukod sa lead star na si Winwyn, kasama rin sa pelikula sina Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Ali Forbes, Shido Roxas, at Juan Carlos Galano.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok