Online seller, nahawa ng HIV/AIDS!

Pilipino Star Ngayon

Advertisements

October 2, 2021 | 12:00am

May bagong timeslot ang Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco simula ngayong Sabado, Oct. 2!  Matutunghayan ito ng 8:15 p.m., pagkatapos ng The Clash, sa GMA!

Kontrobersiyal ang kuwento ng episode ngayong gabi – tungkol sa HIV/AIDS victim na pinagbibidahan nina Dave Bornea (Dave), Luke Conde (Jayson), Raquel Pareño (Nanay Melda), Karenina Haniel (Ate Tina) and James Teng (Kuya Francis).

Si Dave ang pangatlo sa limang magkakapatid kaya nang mawala ang mga magulang nila, siya ang sumuporta sa kanyang dalawang kapatid.

Ang isang kapatid niya ay pumunta sa Manila habang ang isa ay sumasok sa seminaryo. Kaya’t tatlo silang naiwan.

Sinuportahan niya ang dalawang kapatid na naiwan sa kanyang pangangalaga.

Haggang nakapagtrabaho siya sa isang junkshop, pero kapos pa rin kaya naisipan niyang mag-online selling… ng  katawan. At doon siya nahawa ng HIV/AIDS.

Vilma, Maricel, Kim, at Claudine mananakot ngayong Oktubre

Ibabandera ng Cinema One ang mga nakakatakot at nakakasindak na pelikulang Pinoy para sa pagdiriwang ng Halloween nga­yong Oktubre.

Maghanda na sa matinding suspense na hatid ng mga pelikula ng master of scare na si Direk Chito Roño sa C1 Masters tuwing Miyerkules, 9 p.m. Mapapanood ang The Healing ni Vilma Santos sa Oct. 6, T2 na pinagbibidahan ni Maricel Soriano sa Oct. 13, The Ghost Bride ni Kim Chiu sa Oct. 20, at Sukob kasama sina Claudine Barretto at Kris Aquino sa Oct. 27.

Balikan naman ang ilan sa nakakasindak na ‘90s Pinoy movies sa Thursday Horror tuwing Huwebes, 9 p.m. Mapapanood ang Impakto sa Oct. 7, Multo in the City sa Oct. 14, Takbo, Talon, Tili sa Oct. 21, at Sa Piling ng Aswang sa Oct. 28.

Tuluy-tuloy ang pananakot sa C1 Midnight Madness tuwing Sabado ng 11 p.m. tampok sina Assunta de Rossi sa Sa Kabilugan ng Buwan (Oct. 2), Alma Concepcion sa Manananggal in Manila (Oct. 9), Alma Moreno sa Aswang (Oct.16), Klaudia Koronel sa Ang Babaeng Putik (Oct. 23), at Aubrey Miles sa Sanib (Oct. 30).

Puno rin ng katatakutan sa C1 Exclusives tampok ang Cinema One Originals horror gems tuwing Linggo ng 11 p.m. Abangan din ang mga pelikulang Nay na mapapanood sa Oct. 3, Violator sa Oct.10, Bitukang Manok sa Oct. 17, Bukod Kang Pinagpala sa Oct. 24, at Lily sa Oct. 31.

Source link

Leave a Reply

Advertisements