Online selling ni Angeline umabot na sa 4.4 M views Billy, may demanda?!

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

December 30, 2021 | 12:00am

Advertisements

Ahh ang sipag naman ni Angeline Quinto.

Nag-o-online selling na rin pala ito ng mga pre-loved items niya.

Ayon kasi sa source ni Nay Cristy Fermin sa Take It…Per Minute, Me Ganun!, P27,000 lang diumano ang salary ng ama ng kanyang magi­ging first baby kaya kailangan niya talagang mag-ipon.

Eh may tatlo pa pala itong anak na kailangan ding suportahan kaya kailangan daw talagang kumayod ni Angeline bilang paghahanda sa kanyang panganganak sa April 2022.

Pero may announcement siya, sa January 2022 na uli raw ang resume ng kanyang online selling.

In all fairness, massive ang views ng kanyang online selling – 4.4 million.

Bukod dito, tumulong din diumano si Angeline sa pagbebenta ng tickets ng kanyang series of anniversary concerts.

Ito diumano ang tumatawag sa kanyang mga kaibigan para bumili sila ng tickets.

Suwerte si Angeline dahil hindi siya hirap sa pagbubuntis kaya keri niya pang mag-work kahit preggy pa.

Sabi nga niya sa kanyang IG story, “umaapaw na biyaya. salamat Lord. Ikaw po lahat ito.”

Pero kahapon ay may last call siya sa mga nag-mine ng kanyang pre-loved. “Magandang Hapon sa mga nag MINE!  Last Call po! Until 9pm na lang po ang payment tapos ibibigay na po namin yung Pre-Loved Items sa mga naka abang. Maraming Salamat po.”

Isa pang pinag-usapan sa TIPMMG last Tuesday nina Nay Cristy, Nay Lolit Solis and Mr. Fu ay si Billy Crawford.

True ba na may double selling transaction si Billy?

Diumano ay naibenta nito ang kanyang pro­perty nang dalawang beses.

Isa sa umaga at isa sa hapon diumano.

At malamang humantong daw sa deman­dahan ang isyung ito.

Sa Quezon City ang sinasabing bahay at naganap umano ang bentahan three years ago.

Awww. Or baka naman paninira lang ito sa Lunch Out Loud host.

Anyway, isa pang tinalakay last Tuesday ng mga ‘lider ng marites’ ang tungkol kay Yassi Pressman. Blind item lang actually sana ito.

Pero true diumanong pinaasa ito ni Coco Martin noon. Nang diumano’y nakumpirma nitong may relasyon sina Coco and Julia Montes, bigla raw nag-decide si Yassi na umalis na sa Ang Probinsyano.

Isa pang binigyan nila ng opinyon ay ang tungkol sa relasyon nina Jeric Gonzales and Rabiya Mateo.

True raw talagang sila. Pero tanong ni Nay Cristy na kilala ang isang businessman na diumano’y nagkaroon ng special relationship sa actor, aware raw kaya si Rabiya rito na inayunan nina Manay Lolit and Mr. Fu.

Anyway, sa mga hindi pa nakapanood ng episode ng TIPMMG noong Martes, puwedeng maki-Team Replay sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON and YouTube channel.

MMFF, hindi pa rin pinipilahan

Wala pa ring mga pila sa sinehan na palabas ang mga kasaling pelikula sa MMFF.

Hindi gaanong lumikha ng ingay ang naganap na Gabi ng Parangal para magdagsaan ang mga manonood sa mga sinehan.

Pero may mga naghahanap din ng mga pelikulang kasali sa online platforms.

May chance kaya itong mapanood din sa streaming sites?

Marami pa rin kasing takot talagang manood ng sine dahil sa Omicron variant lalo na nga at sumipa sa more than 800 ang new positive cases kahapon.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok