Parang doktor, aktres memoryado na ang mga sakit at gamot

UBOSCristy Fermin – Pilipino Star Ngayon

December 1, 2021 | 12:00am

Advertisements

Kung magiging masikip na ang mundo ng showbiz para sa isang kilalang female personality ay meron pa rin siyang magiging trabaho. ‘Yun ang magiging fallback niya.

May problema nga lang. Wala siyang maipakikitang lisensiya. Para lang siyang magiging albularyo na puwedeng manggamot pero walang maipagmamalaking diploma at lisensiya sa pagiging doktor.

Kung mahina-hinang doktor lang ang ipinangtatapat sa female personality na ito ay siguradong kakabugin niya. Mas lulutang ang katalinuhan ng aktres dahil kabisado niya ang balwarte ng gamutan.

Nakakaaliw ang kuwento ng aming source tungkol sa female personality, sabi nito, “Mahusay talagang pumaraan ang aktres na ‘yun! Talagang nag-aaral siyang mabuti kung anu-ano ang mga uri ng sakit at kung ano ang mga gamot para du’n!

“Matagal na niyang pinakikinabangan sa career niya ang tungkol du’n. Pinagsunugan niya ng kilay ‘yun, inalam niya talaga ang mga detalye, para siyang tunay na doktor!” unang pasabog ng aming impormante.

May isang kilalang doktor na nag-publish ng medical book. Parang diksiyunaryo ‘yun na sinulat sa Ingles at Tagalog. Pumaraan ang kilalang female personality.

Kuwento uli ng aming source, “Gora siya sa book store, bumili siya ng mga kopya ng libro ni dok. Nasa house niya ang isang kopya, meron din siya sa kanyang kotse, meron ding palagi niyang bitbit sa shooting at taping niya!

“Binigyan niya nang sobra-sobrang panahon ang pagbabasa ng libro, cover to cover talaga, wala siyang nilampasan. Inalam niyang mabutin kung ano ang cause ng isang uri ng sakit, kung ano ang mga manifestations nu’n, hanggang sa kung ano ang kailangang gamot ng pasyente!

“Inalam niya ang lahat, hindi mo siya makukuwestiyon, talagang alam niya by heart kung ano ang sakit at ang gamot para du’n!” napapailing na kuwento ng aming source.

Gamit na gamit niya ang medical book na ‘yun sa linya ng kanyang trabaho. Kapag tinotopak siya ay ‘yun ang isinasangkalan niya. Magaling ang female personality na ito.

“Kunwari, gusto na niyang umuwi, ayaw na niyang mag-work, kakausapin niya ang executive producer niya, irereklamo niya ang nararamdaman niya. Ipapaliwanag niya kung ano ang sakit na ‘yun!

“Kabisado niya ‘yun, pati ang kailangang gamot, kaya natural lang na pinapayagan naman siyang umuwi na at baka kung ano ang mangyari sa kanya sa location!

“Nakakaloka siya, di ba? Lahat na lang ng paraan, e, gagawin niya kapag tinotopak siya! Aning-aning ang lukring na babaeng ito, sa totoo lang! Deserve ba niyang mahambalos ng bareta ng sabon?” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Sharon, mas pinili ang serye kesa mangampanya

Hinahanap sa mga probinsya…

Malaking kawalan ang presensiya ni Sharon Cuneta sa mga probinsiyang dinadalaw ng kayang asawang senador na kumakandidatong vice-president ngayon.

Nakakahiya mang sabihin dahil parang minemenos naman natin ang kapasidad ng senador ay kalat na kalat ang kapaniwalaan ng ating mga kababayan na malaking poste sa pananalo ni Senador Kiko Pangilinan ang kanyang misis.

Napakalaking dagdag-boto para sa kanyang mister ang pagiging nand’yan ni Sharon. Malaking boto para sa senador ang hukbo ng mga tagahanga ng Megastar.

Sa ngayon ay hindi pa nakikitang sumasama sa pag-iikot nina VP Leni at Senador Kiko si Sharon dahil naka-lock-in taping siya para sa seryeng Ang Probinsyano. Sa susunod na buwan pa siya matatapos sa unang sultada ng lock-in taping niya.

Kunsabagay ay sa Pebrero pa naman ang pagsisimula ng kampanya, sa panahong ‘yun ay natapos na siguro ni Sharon ang mga eksena bilang si Aurora sa serye, kaya makasusuporta na siya kay Senador Kiko.

Nu’ng tumakbo bilang independent si Senador Kiko ay mahigit na dalawang buwan silang nakatira sa ipinadisenyo nilang bus na parang bahay. Halos sa kalye na sila naninirahan.

Bumababa lang sila sa mga siyudad para makapag-hotel, kinabukasan ay takbo na naman sila para sa kampanya, ganu’n katindi ang ibinigay na suporta ni Sharon sa buhay-pulitika ng kanyang asawa.

Pero kakaiba ang kapalaran ngayon dahil magkaagawan sa posisyon bilang vice-president si Senador Kiko at ang itinuring na niyang pangalawang ama na si Senate President Tito Sotto.

Napakahirap ng kalagayan ni Sharon. Kumanan siya at kumaliwa ay siguradong magiging sentro siya ng kontrobersiya. Hindi siya maaaring umiwas sa isyu dahil sabi nga ni Senador Kiko, kung saan ito nandu’n, natural lang na kasama nito ang kanyang misis.

Mahawakan sanang mabuti ni Sharon ang timon ng kanyang emosyon. Malakas kumaway ang imbitasyon ng kontrobersiya sa mundo ng pulitika.

Sinuman ang magwagi sa tunggalian, sana’y walang mawasak na relasyon, kahit pa madali lang sabihin ‘yun pero mahirap mangyari.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok