Pasasalamat sa fans, dadaanin ng Tarsier Records sa online concert na TY 2021

Pilipino Star Ngayon

Advertisements

December 28, 2021 | 12:00am

MANILA, Philippines — Handog ng Class of 2021 ng Tarsier Records ang isang regalo para sa music fans sa buong mundo bilang pasasalamat bago magtapos ang 2021 tampok ang kaabang-abang na live performances.

Mapapanood online ngayong December 29 (Miyerkules), 8 PM sa YouTube channel ng Tarsier Records, ABS-CBN Star Music, at One Music PH ang TY 2021, na hango sa Tarsier Yearbook 2021 o simpleng Thank You para sa mga tumangkilik sa musika ng label ngayong taon.

Pangungunahan nina Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan, Bugoy Drilon, at Sam Concepcion ang live concert kung saan makakasama rin ang mga bagong signees gaya ng TikTok sensation na si Zion Aguirre; Spotify RADAR Philippines artist allen&elle, bagong girl group na New Flame; at dating The X Factor UK contestant at miyembro ng United Vibe na si Jon Guelas.

May espesyal din na handog ang Monarch star at Tarsier artist na si Inigo Pascual.

Tatagal ng isang oras ang live online concert at magtatampok ng hindi pa narinig dati na bersyon ng original releases mula Tarsier. Pwedeng tumutok ang mga manonood sa event mula sa mga bahay nila.

Taong 2017 nang ilunsad ang Tarsier Records sa ilalim ng ABS-CBN Music kasama ang walong artist na naglalayong ipakilala ang OPM at mga Pinoy artist sa buong mundo.

Matapos ang apat na taon, meron na itong mahigit 25 artists at mayroon na ring halos 200 mga kanta sa catalog nito. Pagpasok ng 2022, mas marami pang mga malalaking plano ang Tarsier Records.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok