Pauleen masaya pero ‘di raw perpekto ang buhay

SHOWBIZ GANERN!Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon

January 4, 2022 | 12:00am

Advertisements

Kumpleto ang buong Dabarkads ng Eat Bulaga na nag-live nung nakaraang Sabado, ang unang araw ng taong 2022.

Ginagawa naman nila ‘yan kahit nasa pandemya pa rin tayo.

Ang saya nilang lahat na nagkita-kita sila roon, pero kitang-kita ang sobrang saya ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna. Tinext ko nga ito kay Pauleen na ang laking bagay na meron silang Talitha na nagpapasaya sa kanila.

Ang dami ngang natuwa sa comment ng bagets na magkamukha raw ang Kuya Vico niya at ang kanyang Daddy.

Ang dami ring naaliw sa Tiktok na si Tali ang nag-lead ng prayer bago sila kumain.  Kabisado ni Tali ang grace before meal, pero sabi ni Pauleen nagmamadali daw sa pagdadasal si Tali dahil nagugutom na raw ito.

“Super bait niya kuya. Napakasuwerte namin sa batang ito,” text sa akin ni Pauleen.

Kaya sinabi ko sa kanya na nakikita namang ang saya nilang mag-asawa. “Peaceful naman (pray emoji) di perpekto, pero masaya kami,” dagdag niyang text.

Iyun ang laging ipinagpapasalamat ni Pauleen sa Diyos dahil dumating si Tali sa  na siyang nagpagaan talaga ng buhay nila sa gitna ng pandemya.

Aktres, nahawa ng anak na naki-party sa Poblacion

 Iyung isang aktres pala na nagpositibo sa COVID 19 ay nahawa raw sa anak niya na sumama raw sa isang party sa Poblacion.

Kaya nakakatakot na talaga ang magpa-party party.

Nadadaanan ko nga nung kamakalawa lang ang Poblacion sa Makati, parang ghost street na ito. Walang tao at sarado ang ibang bars.

Kung wala namang importanteng lakad, sa bahay na lang uli tayo.

Nakasanayan na rin naman natin ang ‘work from home’.

Mga sinehan hindi umaabot sa 50% capacity

Naikot ko ang ilang sinehan sa Rockwell pero matamlay pa rin sa takilya.

Nakakahiya tuloy gamitin ang MMFF pass, dahil parang hindi ka naman nakakatulong sa ating mga movie producer kung libre mo pang panoorin ang sine. Kaya bumili na kami ng ticket para sa Love at First Stream.

Nakakapanghinayang lang dahil may ilang pelikulang iilan na lang ang sinehan. Kaya mahirap hanapin.

Ang dami na ngang nagtanong kung apektado ba ang mga sinehan ngayong nasa Alert level 3 na ang NCR, at nasa high risk uli tayo.

Nilinaw ito ng MTRCB nung kamakalawa lang na operational pa rin ang mga sinehan. Pero 30 percent sa mga fully vaccinated na lang sa indoor cinemas, at 50 percent sa outdoor.

Sa totoo lang, wala namang nabago dahil hindi naman umaabot sa 50 percent ang nanonood sa mga sinehang  nagpapalabas ng mga MMFF entries.

Mahina talaga, pero inaasahan na ito ng mga movie producer at mga taga-MMDA at MMFF dahil sa hindi pa talaga adjusted ang taumbayan sa bagong kalagayan natin ngayon.

Ang maganda lang daw, nalagpasan na nito ang kinita ng MMFF nung nakaraang taon na nasa digital lang. Kaya pinilit talaga nilang gawin ito sa mga sinehan.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok