Paulo at Janine, may sinagot sa kanilang relasyon

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

January 6, 2022 | 12:00am

Advertisements

Flattered si Janine Gutierrez na kasama siya sa listahan ng world’s 100 Most Beautiful Faces.

Say ni Janine the other night sa mediacon ng Marry Me, Marry You na last three weeks na lang “I think pinakamaganda naman talaga ang Pilipina and I’m honored, I guess.”

Anyway, wish ng buong cast ng Marry Me, Marry You na magkaroon sila ng Book 2.

Lalo na at dito nag-umpisa ang lahat ng chika kina Janine and Paulo Avelino at ang love story nina Edu Manzano and Cherry Pie Picache.

Pero super iwas sila na pag-usapan ito.

“Gusto ko lang sumagot na lahat kami naiinggit kay Ms. Pie at kay Tito Edu kapag nakikita namin silang magkasama dahil sa sobrang ka-sweetan. Walang talagang tatalo sa kanila. Saka talagang tinakasan nila kami today,” dahil nga wala ang mag-sweetheart sa mediacon.

Pero nang natanong si Paulo ay sinabi nitong “Ako po, si Janine lang hinihintay lagi. So, tingnan natin kung hindi kami masyadong busy for this year. May sari-sarili kaming gagawin kasi,” kung saan magkakaroon sila ng US concert tour pero defensive agad si Paulo hindi naman daw ibig sabihin nito ay magkasama na sila sa kuwartong matutulog na hirit niya Janine ay “Dapat lang! Hahaha!”

Anyway, sa pagtatapos ng kuwento nito manganganib ang samahan ng mag-asawang Andrei at Camille (Paulo at Janine) sa pagharap nila sa pinakamalaking dagok sa kanilang relasyon at pamilya sa finale ng Kapamilya teleserye na mapapanood ang huling tatlong linggo sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Madudurog ang puso nila pagkatapos malaglag ang dinadalang baby ni Camille. Ito naman ang magiging dahilan ng paglayo ng loob ni Camille sa asawa habang dinadalamhati niya ang pagkawala ng sana’y magiging anak nila.

Lalala pa ang problema sa relasyon ng dalawa nang malaman nilang si Andrei ang totoong ama ng baby ni Patricia (Iana Bernardez), ang dating kasintahan ni Andrei, at hindi ang best friend nitong si Cedric (Jake Ejercito). Dahil sa rebelasyong ito, madadala si Patricia sa kanyang kahibangan at pilit na aangkinin si Andrei.

 Magiging tensyonado rin ang pagtatapos ng  Marry Me, Marry You dahil ipinakita sa finale trailer na mapapahamak ang buhay nina Andrei at Camille dahil sa masasamang balak nina Patricia at Laviña.

May pag-asa pa bang magkaayos ang kani-kanilang mga pamilya?

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok