Ria, sumali sa tablescaping workshop

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

October 7, 2021 | 12:00am

Advertisements

Excited na si Ria Atayde para sa kanyang Kuya Arjo na anytime ay magpa-file ng certificate of candidacy for congressional seat (District 1, Quezon City).

“Yes po, Tita. Super excited for him to make a difference,” sabi niya nang magka-chat ko sa event ng first anniversary ng PhilSTAR Life – Tablescaping with The Forewoman by Jet Acuzar.

Anyway, parang ang dali lang pala ng art of tablescaping na nauso ngayong pandemic since most of the time nga ay nasa bahay lang ang majority sa atin at hindi na nakaka-dine out.

Puwede palang hindi lahat expensive o mamahalin ang dinnerwares or table essentials pero lalabas na elegant.

Si Ms. Jet Acuzar-Atienza ang isa sa owner ng Las Casas Filipinas de Acuzar at sa mabilis at madaling paraan itinuro niya ito sa ilang mga nag-join sa Zoom workshop, na included din sa attendees sina Tim Yap and Ria Atayde, ng tablescaping na ‘yun na lang talaga ang puwede mong gawin sa bahay para magkaroon ng excitement sa tuwing kakain ngayong quarantine pa rin at bawal pang lumabas ang mga bata at matatanda.

May mga tip din si Ms. Jet na mas advisable palang bumili ng mga crystal dining set or glassware na available sa mga department store or kahit sa mga online store.

Kahit ang flowers na ginamit niya, sa Dapitan binili.

At nire-recommend niya ang local products.

Si Ria, nang tanungin ko kung into tablescaping din, mahilig daw siyang mag-entertain ng friends so minsan ay ginagawa niya.

Actually, before pandemic, ma-invite sa friends nila ang mommy Sylvia Sanchez and daddy Art Atayde nila. At ang favorite nilang i-offer, tacos.

Ang sarap ng taco ni Ms. Sylvia. Grabe ang sauce at taco shell nila, sobrang crunchy with fresh chopped cabbages, tomatoes, onions, grated cheese, flat taco shells with special ground beef.

So talagang, nakakatakam.

Anyway, congratulations PhilStar Life (lifestyle website). Imagine nagti-trending na ang mga story nila samantalang in the middle of pandemic lang nila last year ito ini-launch.

Source link

Leave a Reply

Advertisements