Ruru, special request si Kylie split na kay Bianca?

SHOWBIZ GANERN!Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon

December 2, 2021 | 12:00am

Advertisements

As of presstime, hindi pa kumpirmado kung magbabalik tambalan na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla. Dapat ay may gagawin si Ruru para sa Regal Studio Presents, pero wala pang na-finalize kung sino ang makaka-partner niya.

Ni-request ni Ruru kung puwede si Kylie. Kinilig ang ilang nakaalam dahil noon pa man ay natsitsismis nang type talaga ni Ruru si Kylie. Pero may Aljur Abrenica na noon si Kylie, kaya atras na si Ruru.

Mabubuhay kaya uli ang dating damdamin ngayong malungkot ang kanilang puso? Pero hindi pa raw ready si Kylie mag-taping kaya, hindi pa masasabi kung matutuloy ang project na pagsasamahan nilang dalawa.

Malamang, hindi pa rin naman handa si Kylie na umibig muli pagkatapos nilang maghiwalay ni Aljur.

Pero si Ruru kaya? Single ba siya uli ngayon? Tahimik sila ngayon ni Bianca Umali na may mga nagsasabi sa aming tahimik na rin ang linyang nagkokonek sa kanila ni Ruru.

Tingnan na lang natin sa nalalapit na birthday ng Kapuso actor.

Local concert performers, sa Amerika muna rumaraket

Sa Amerika na muna nagsisimulang rumaket ang concert performers dahil okay na okay na roon ang concerts at live shows.

Kamakailan lang ay humataw nang husto si Ice Seguerra sa kanyang US tour na nadagdagan nang nadagdagan ang bookings niya roon.

Nakatakda na rin sa March at April ang series of shows doon ni Ogie Alcasid, ang OA sa Love in the USA, kasama sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Sabik na sabik na rin si Ogie na mag-perform sa isang live concert na feeling daw niya maiiyak siya sa unang sampa niya sa stage.

Ang isa pa sa inaayos pa ngayon nina Ogie ay ang US tour na rin ng Kilabotitos nila ni Ian Veneracion. Kailangan na lang daw nila ito i-finalize sa promoters bago nila iparating kay Ian.

“Kailangan lang makuha ‘yung final…hindi ‘yung downpayment. Kailangan lang ma-close ang deals sa ibang bansa din,” pakli ni Ogie.

Pero sa ngayon ay sa online pa rin muna at aligaga si Ogie kasama si Ian sa fundraising online concert ng Kilabotitos kasama ang iba pang kilalang artists na welcome ang lahat, galing man sa Kapuso, Kapamilya, Kapatid at kahit saang network.

Tuwang-tuwa nga sina Ogie at Ian dahil hindi raw sila nahirapang kausapin ang performers na kasali sa naturang fundraising event.

Sa tulong ng Ortigas and Company at A Team ni Ogie, nabuo itong Christmas with the Stars na naka-schedule ang streaming sa Dec. 11 sa KTX.Ph.

Ang malilikom dito ay para sa Independent Production Workers Group na lubhang naapektuhan nitong pandemya.

Hikahos na rin ang OPM o Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit dahil nag-shutdown na raw muna sila nang pumasok na ang pandemya.

“We’re not operating as we speak. Siyempre ang isang organisasyon lalo na ang NGO may overhead ‘yan di ba?

“Since we’re an NGO our operations will only be operating if we have donations. Wala kaming naku-collect. We have to shut down.

“I would assume it’s been two years na naka-shutdown kami. So, ang naorganisa lang namin habang nagpandemya was nung tinulungan kami ni Dingdong Dantes ng mga nangangailangan ng vaccination. There was one time ang gobyerno tinulungan din ang iba naming miyembro, in terms of ayuda.

“Pero sa totoo lang po, hindi rin kami makapag-organisa dahil wala naman kaming operations. Sadly, that is the state of our organization,” saad ni Ogie sa nakaraang mediacon ng Christmas with the Stars ng Kilabotitos.

Sa mga interesadong manood ng Christmas with the Stars Concert, mag-register lang sa website ng Ortigas Malls na bukas na nung Nov. 13 hanggang Dec. 10.

I-download ang Ortigas Malls App at mag-register para sa Ortigas Community Card. Sa halagang 1K na receipt doon ay katumbas na ang isang tickets para sa naturang concert.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok