Sa Subic nag-Pasko… Rabiya at Jeric ayaw munang ilantad ang relasyon!

SHOWBIZ GANERN!Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon

December 28, 2021 | 12:00am

Advertisements

Hindi pa ganun ka-open ang relasyon nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo.

Pero ilan na ang nagsabi sa aming, sila na raw talaga.    

Ayaw lang daw muna magsalita ni Jeric sa ngayon, at ganundin si Rabiya.

Wala pa nga silang ipinu-post sa kanilang social media account.

Pero may nakakuha namang magkasama sila sa Subic nung Pasko.

Ilang taong malapit sa kanila ang nagsabi rin sa aming, magkasama nga sila nung Pasko.

Nakakaloka lang sa ibang netizens, ikinokonek pa rin nila si Jeric kay Sheryl Cruz.

Hindi pa rin nakakalimutan ang pagka-link ni Jeric sa aktres na nakasama niya noon sa Magkaagaw.

Si Rabiya naman ay matagal nang nakapag-move on sa dating non-showbiz boyfriend.

Sinabi naman niya sa mga nakaraang interviews na nananatiling magkaibigan pa rin daw sila ng dating boyfriend.

Walong pelikula sa MMFF, P10 m lang ang kinita sa first day; Spiderman sold out na agad kahit next week pa ang showing

Totoo kayang halos sampung milyong piso lang ang total gross na kinita ng walong pelikula sa MMFF nung first day nito?

Pero hindi na rin nagulat ang mga movie producer dahil inaasahan nilang hindi ito ganun kalakas dahil bukod sa takot pa ang karamihan na pumasok sa sinehan, iilan lang talaga ang nagbukas na sinehan at limited pa ang screening time. 

Kaya mapapabilib ka rin sa ibang movie producers, lalo na iyung nagsisimula pa lang mag-produce na hindi sila pinanghinaan ng loob.

Gusto pa rin nilang mag-produce dahil naniniwala silang makaka-jackpot din sa box-office at para na rin daw sa ibang manggagawa na nawalan na ng trabaho.

Narinig ko nga na meron daw producer na may entry sa MMFF na bumili na rin ng napakaraming tickets para umakyat sila, at hindi lang mangulelat sa takilya.

Ang nakakalungkot pa, nung bumili ako ng ticket, ang nakakasabay ko sa takilyera ay advanced tickets para sa Spiderman: No Way Home. Kaya sold-out na raw itong Hollywood film sa first week ng showing nito next month.

Kaya mukhang itong mga malalaking Hollywood films lang ang bubuhay sa mga sinehan natin.

Veteran actor at kapatid, magde-demandahan

May namumuong away pala sa isang veteran actor at ang kanyang kapatid.

Solid ang samahan nitong magkapatid na kilala naman sa showbiz. Pero nagkasira raw dahil sa pangingialam ng isang babae.

Hindi ko lang nakuha ang buong detalye, kaya hindi ko pa makuwento nang buong-buo.

Ang nakakalungkot lang, mukhang lalaki raw ang gulo at baka umabot pa sa demandahan.

Sana maayos pa at hindi na umabot sa malaking iskandalo.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok