Taong 2022, maraming pagbabago! | Pilipino Star Ngayon

ISYU AT BANATEd de Leon – Pilipino Star Ngayon

December 31, 2021 | 12:00am

Advertisements

Last day ng 2021. Bukas ang simula ng panibagong taon, 2022 na at lahat ay umaasa sa mas mabuting buhay.

Maraming magaganap na pagbabago sa taong ito. Una nga magkakaroon ng malaking pagbabago sa mga namumuno sa ating gobyerno pagkatapos ng eleksyon sa May. Natural may mga bagong pamamaraan sa pagharap sa mga problemang maiiwan ng lumang administrasyon.

Sa buwang ito, medyo naging malumanay na ang takot sa COVID, pero binayo naman tayo ng Odette at maraming iniwang nasalanta ng bagyo.

Kailangan natin ang agarang pagbangon, na siguro magsisimula pa sa huling bahagi ng taon kung may mga bago na ngang mamumuno sa bansa.

Ang industriya ng pelikula ay kailangan ding bumangon, at marahil kailangang palitan agad ang ilang lider na “puro lang build-up sa sarili ang inasikaso.”

Bagsak pa rin ang industriya, kaya maliwanag na hindi epektibo ang ipini­pilit na pagbabago ng mga dating namuno. Kailangang maibalik ang dating sigla ng pelikula.

Maski ang idinadaos na MMFF ay nananatiling matamlay. Hindi dahil takot ang mga tao sa COVID o walang pera, dahil nakikita naman natin na ang daming tao sa malls. Ang daming nagtatanong at nag-aabang kung kailan daw bubuksan ang Star City. Dinudumog ang mga pasyalan. Tambak din ang tao sa mga simbahan. Ibig sabihin isa lang ang dahilan, hindi sila nagkaroon ng interest sa mga pelikulang palabas.

Iyong mga sinehang sinasabing “under renovation,” palagay namin hindi talaga hinabol ang festival kasi ang nakalagay na sa mga saradong sinehan, magbubukas sila sa Jan. 8 kung kailan tapos na ang festival at ang una nilang ipalalabas ay Spider-Man. Sigurado nga namang kikita iyon.

Pero maganda ang nakikita naming future ng 2022. May mga artistang kapansin-pansin ang pagsikat ngayon at tiyak na magtutuloy iyan sa 2022.

Isa na nga riyan si Joshua Garcia. May ilan pang sa palagay namin ay maaaring umangat ang career huwag lang magkamali ng diskarte.

Mukha rin namang magiging maluwag ang pera ng mga tao, may eleksiyon eh, at may nagsabi nang saku-sako ang kanilang pera.

At saka kahit kailan, basta may umiiral na depression, ang umaangat ay entertainment. Kasi gusto ng mga tao na matakasan ang kanilang mga problema, dalawang oras man lamang, at tiyak ang gagawin nila ay manood ng sine.

Pero dapat gusto nila ang panonoorin nila, hindi iyong gusto lang ng mga gumagawa.

Kababaihan pang-support lang … year of the Tiger, may dalang suwerte sa matinee idols

Noong isang araw kakuwentuhan namin si Madam Sally (manghuhula), na ang bungad sa amin ay marami nga raw pagbabago sa Year of the Tiger. Kahit na sabihin mong Feb. 1 pa ang year of the Tiger, dahil iyon ang unang pagbibilog ng buwan, ngayon pa lang daw ay nagpaparamdam na ang suwerteng tigre.

Sabi pa ni Madam Sally, tama ang nakausap naming sihui, kailangan ang Tai Sui, at ang mantra ni Guru Rinpoche.

Sa hula ng Madam Sally, “mga artistang lalaki ang sisikat nang husto sa year of the Tiger. May dalawa akong nakikitang sisikat na matinee idols. May dalawa pang artistang lala­king sisikat na sexy naman ang image. Sa taong ito, nakakalungkot sabihin na magiging parang support lang ang mga artistang babae,” sabi niya.

Ang nakikita naming matinee idol ay isa pa lang, aywan kung sino pa ang nakikita niyang isa.

Aktor, laging napagbibintangang malas

Nahulaan din ni Madam Sally na matatalo ang gay politician na lover ngayon ng isang male star, at basta raw natalo na iyon pagbibintangang malas ang male star at iiwanan na siya ng bading.

Aba papaano nahulaan iyon ni Madam Sally? Nangyari na iyan sa male star na iyan. May gay politician lover din siya noon na nagsabing siya yata ang malas matapos na matalo rin iyon.

Kailangan nga sigurong humanda na ang male star na mawawalan na naman siya ng sustento mula sa gay politician.

Bakit nga kaya siya ang laging pinagbibintangang nagdadala ng kamalasan?

Minsan, nagkaroon na rin ng isang bading na businessman na naloko sa male star, hiniwalayan din siya matapos ang ilang buwan lamang kasi malas daw siya.

Ano nga bang kamalasan iyan? Ibig bang sabihin mas masarap yakapin ang mga butanding kaysa sa kanya?

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok