Tonton at Direk Rico tinamaan din ng COVID!

TAKE IT TAKE ITLolit Solis – Pilipino Star Ngayon

October 1, 2021 | 12:00am

Advertisements

Talagang katakot ang COVID, Salve, ha. Buti na lang bakunado na si Tonton Gutierrez nang tinamaan pero talaga raw nahirapan siya.

Kaya nga matagal naghintay ang Daig Kayo Ng Lola Ko dahil nga matagal ding na-down si Tonton.

Pagkatapos, si Rico Gutierrez na direktor naman ng serye ang nag-positive, grabe.

Kung minsan buong unit, may tama, kaya hinto ang taping.

Hindi mo talaga ma-imagine na titigil ang trabaho dahil merong nag-positive sa staff o sa mga artista. Kaya nga ang laki ng production cost dahil sa mga delay na nagaganap.

Hindi mo rin masisisi na talagang medyo hirap ngayon ang sitwasyon, dahil na nga sa mga nangyayaring ganito.

Regular sight na nga ang pagdating ng mga ambulance sa set ng taping dahil biglang merong kukunin o susunduin na nag-positive.

Naku ha, October na, please lang, pahinga ka na COVID noh, hayaan mong gumanda naman ang December namin noh!

Babu ka na, overstaying ka na, illegal alien ka na.

Kris, paborito ang regalo mula sa mga kasambahay

Naisip ko na sa lahat siguro ng tao, meron ‘yung touch of Santa Claus.

Iyon bang inner self mo na gustong mag-share at magbigay ng kahit ano lang na alam mo na puwedeng makaligaya sa binigyan mo. Kasi, nakikita ko, kahit ‘yung hindi naman gaano karami ang pera, meron talagang kahit konti lang na regalo bibigyan ka. Iyon bang alam mo na naalala ka, kahit pa nga Indian mango lang iyan, o tinapa, touching ‘pag binigay sa iyo.

Si Kris Aquino, gustung-gusto ng mga kasambahay niya na nag-e-effort na bigyan siya kahit ano lang at may note na bumabati sa kanya.

Gustung-gusto ko noon ang isang make-up artist ng GMA 7 na tuwing aayusan ako may dalang nilagang saging para pasalubong. Hah hah, napapalaki tuloy ang tip, joke joke.

Kasi nga hindi ba ang sarap naman talaga na nagbibigay ka, parang ang gaan sa feeling at parang happy ka makita na natuwa ‘yung binigyan mo.

Si Tonton Gutierrez, tuwing may ginagawang serye iyon last day pay niya, lagi niyang binibigay para sa staff para blowout niya. Ang saya niya na nakikita na tuwang-tuwa ‘yung staff dahil nga may pang-last day party sila.

Kaya nga, lucky Santa in every person, lalo na ngayon. Mas maraming masaya, mas gaganda ang mundo natin.

Source link

Leave a Reply

Advertisements