Tonton, never naisip maging pulitiko!

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

October 10, 2021 | 12:00am

Advertisements

Aminado si Tonton Gutierrez na interested sa showbiz ang anak nila ni Glydel Mercado pero ang deal niya sa anak na si Aneeza, tapusin muna ang pag-aaral. Meron pa silang isang daughter, si Aneeka.

Actually, before pandemic, may nagawa na itong (Aneeza) movie with Joaquin Dumagoso, anak ni Mayor Isko Moreno. “I would say interested siya na showbusiness but although ang deal ko lang sa anak ko is tapusin muna yung pag-aaral that’s the main priority of her na magtapos ng college and after that she can do whatever she wants to do. Kumbaga ngayon meron man naisisingit na pelikula, that’s because I think that was summer nung ginawa ‘yun so I permitted her to do it pero kung papasok na ‘yung medyo kailangan siyang mag-stop or whatsoever ‘yung home schooling, hindi ko gusto ‘yun. So ‘yun lang deal namin,” sabi ng actor na mapapanood sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa ginanap na media conference the other day.

At aside from acting, never palang pumasok sa isip ng magaling na actor na maging director.

Ayon sa actor, “Directing is not my cup of tea, but anyway interested pero hindi talaga ako keen to be a director. Basta iniisip ko lang na pagka-nandyan ako sa set parang basta may mga eksena, ini-imagine ko lang na ‘oh I would probably do this and instead of this and that’ mga ganun pero to be a director medyo hindi ko talaga, parang hindi ko papasukin,” sagot pa ng actor na gumaling din sa COVID kamakailan.

Isa pang hindi kayang gawin ni Tonton ay maging pulitiko. As in hindi niya naisip na kumandidato.

Anyway, sure na sure ang actor na epektibo ang COVID-19 vaccine. Ito ay matapos siyang mag-positive, asymptomatic. “Of course, everyone hindi lang naman ako, ang natatakot magkaroon ng COVID ‘di ba, but the problem was, I was being careful but I still got it na hindi ko alam kung paano. I was looking back kung paano ko na-acquire ‘yun.

“Hindi ko maisip or ma-pinpoint kung saan ko nakuha, at the same time gaya nga ng sinabi ko, the whole family, the whole staff dito sa bahay was negative. So, ako lang.

“Mahirap isipin and ‘yung takot will always be there. Being careful should always be with us. ‘Yung pananaw, I guess masasabi ko hindi ako masyado natakot, because I’m fully vaccinated,” pahayag pa ni Tonton.

Dagdag pa niya : “Gaya nung sinabi ko, thank God the vaccine really works, kumbaga kasi wala ako naramdaman.”

Sa bahay lang siya nag-isolate at after 14 days nagpa-swab uli siya at negative na. Back to normal na si Tonton.

Pero ang payo niya : basta maging maingat lang daw  tuwing lalabas.

Babalik na rin siya sa lock-in taping : “We just have to be vigilant

and we just have to pray.”

Napapanood ang Daig Kayo ng Lola Ko: It’s Not You, It’s Me starring Tonton and  Pokwang every Sunday, beginning tonight until October 24.

Source link

Leave a Reply

Advertisements