Vic, Pauleen at Talitha, parang naglalaro lang sa EB

TAKE IT TAKE IT!Lolit Solis – Pilipino Star Ngayon

December 1, 2021 | 12:00am

Advertisements

Ang ganda-gandang makita nina Vic Sotto, Pauleen Luna at Talitha sa Eat Bulaga.

Talagang dahil work from home, spontaneous lang ang biglang pagsulpot ni Talitha tuwing nasa harap ng kamera si Pauleen na dahil siyang nagka-camera work madalas wala sa frame.

Parang naglalaro lang silang tatlo sa mga eksena nila kaya nakakatuwa. Ang saya-sayang tingnan ng pamilya nina Vic, Pauleen at Talitha. Perfect setup, at lasting happiness ang peg. Sure akong ang daming inggit sa nakikita nilang aura ng pamilya Sotto.

Kaya ang ganda-ganda ngayon ni Pauleen, at looking contented si Vic. Happy Talitha.

Gabbi at Bianca, kayang kabugin sina Bea at Maja

Isa pang star ng GMA 7 si Gabbi Garcia. Maganda at mahusay ring artista si Gabbi na ka-loveteam ni Khalil Ramos. Maganda naman ang combination ng dalawa pero mas gugustuhin ko na sana mag-concentrate ang Artist Center sa friendly competition nina Bianca Umali at Gabbi Garcia.

Puwede silang maging Judy Ann Santos / Gladys Reyes, or Vilma Santos/ Nora Aunor kung haharapin ng husto ang build-up sa dalawa. ‘Yung friendly competition will make their respective career hotter and will bring the best out of these two very talented and beautiful stars.

Mas exciting na parehong hotties ang nasa loob ng GMA 7 ‘di ba?

At ang gandang tingnan na merong team Bianca o team Gabbi na naglalaban para sa dalawa. Sana pag-isipang mabuti, puwede ng pang-Dingdong Dantes, Dennis Trillo o Alden Richards ang dalawang female stars na ito. Puwede nang hindi teeny roles ang gampanan nila, mga mala-Marian Rivera o Rhian Ramos na roles na.

Give them those roles, tapos graduate na sila sa young teams, tingnan mo, mas sisikat pa sila at lalaki as serious stars. Huwag nang loveteam, seryosong roles na para mas marami nang stars.

Try Bianca and Gabbi, tingnan mo, tatalbugan nila iyang mga Bea Alonzo at Maja Salvador.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok