Vice, gusto nang pakasal at maging magulang

SHOWBIZ NEW NOW NA!Boy Abunda – Pilipino Star Ngayon

October 2, 2021 | 12:00am

Advertisements

Kamakailan ay napabalitang nagpakasal na diumano si Vice Ganda at kasintahang si Ion Perez.

Aminado naman ang Unkabogable Phenomenal Box-Office Superstar na talagang sumasagi sa kanyang isipan na lumagay na sa tahimik. “Nae-excite na rin sa konsepto ng… oh my God, one of these days baka magpakasal ako. Nae-excite din ako. Lalo na ‘pag nararamdaman ko na ang daming nagsu-support sa love namin ni Ion sa isa’t isa. Kinikilig ako,” pagtatapat ni Vice.

Matatandaang nagpakasal na rin ang mga co-host sa It’s Showtime na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jugs Jugueta, Teddy Corpus at dating kasamahan din na si Billy Crawford.

Aminado si Vice na nagkaroon siya ng trauma nang isa-isang nagpakasal ang mga kasamahan sa programa. “Naging trauma sa akin ‘yung kasal n’yo. Unti-unti nang nagsi-sink in sa akin na impossible yata. Pero mayroon pang manipis na manipis na hibla ng pag-asa na, ‘di ko talaga binibitawan, kinakapitan ko talaga siya, ‘Hindi, meron ‘to.’ Antayin ko. Pero unti-unti na talaga akong pinapasok na, ‘Uy! Maiiwan talaga ako rito.’ Tapos sabi ko nga kay Anne, ‘Nag-iiba iba na kayo ng titulo.’ Hindi ka na performer lang, hindi ka na actress lang, naging housewife ka na. Tapos bukod sa housewife, naging mother ka na. Ako hindi nagbabago ‘yung title ko. Comedian ako forever,” kwento niya.

Ayon pa sa komedyante ay talagang nangangarap din siyang magkaroon ng anak balang araw. “Kino-consider ko na talaga siya. Gusto ko na maging parent. Kasi dati, sabi ko, ‘No, not my thing.’ Hindi ko kayang mag-alaga ng bata. Tapos eventually nag-grow sa akin ‘yung pagkagusto ko sa bata dahil sa Showtime, dahil sa Star Cinema, sa mga ginagawa kong pelikula na lahat ang target ko, para ito sa mga bata. Feeling ko I can be a great pa­rent. Nararamdaman ko na sa sarili ko ‘yon,” pagtatapat ni Vice.

Michelle, hindi nailang kay Miles

Matutunghayan ang istorya ng pagmamahalan nina Sarah Garcia at Tanch Lobete sa Maalaala Mo Kaya sa Oct. 23. Sina Miles Ocampo at Michelle Vito ang gaganap bilang magkasintahan sa naturang episode. Nang mabalitaan ang tungkol sa role ay agad daw inalam ni Michelle kung sino ang kanyang makakapareha rito. “Kasi ang laking bagay na kakilala mo and kaibigan ‘yung partner mo lalo na ‘yung ganitong mga eksena. May mga scenes kami na mga titigan na malapit. Ang laking bagay na kaibigan mo ‘yung partner mo sa MMK kasi wala ‘yung awkwardness. With Miles, kumportable na ako,” pahayag ni Michelle.

Nagkaroon ng pagkakataon na makilala nang personal nina Michelle at Miles sina Sarah at Tanch. Ayon kina Miles at Michelle ay maraming mga bagay din ang kanilang natutunan pagda­ting sa pag-ibig ng magkasintahan. “Nagkaroon po kami ng chance na ma-meet sila. Kahit anong itanong namin, at the end of the day, ang sagot nila, ‘Kasi love namin ang isa’t isa.’ So parang this story, grabe, pinakita ‘yung unconditional love ng isang tao and kung ano ‘yung kaya mong gawin para do’n sa partner mo,” paglalahad ni Miles.

“Marami tayong mga experience sa love, minsan hindi talaga nagwo-work out pero darating ‘yung time na maayos din lahat and dadating ‘yung tamang tao para sa atin magbibigay ng love na deserve natin,” dagdag naman ni Michelle.

(Reports from JCC)

Source link

Leave a Reply

Advertisements